(Tiniyak ng DOLE) OFWs SA HK NASA MAAYOS NA KALAGAYAN

Labor Secretary Silvestre Bello III-a

INIHAYAG  ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nasa maayos  na kondisyon ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong.

Ito ay kasunod ng mga ulat na sinibak ang ilang OFWs ng kanilang nga employer makaraang magpositibo sa COVID-19.

Batay sa report, nasa 70 OFWs sa Hong Kong ang walang tirahan at may sakit, ngunit mahigpit itong pinabulaanan ni Bello.

“All of our OFWs in Hong Kong are in very good condition. The news about our OFWs being positive and terminated are not true,” sabi ni Bello.

“In our country, we do not dismiss workers because of COVID, much more in Hong Kong,” dagdag pa niya.

Aniya, dinala sa facilities ang mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19.  LIZA SORIANO