HINDI makaaapekto sa operasyon ng mga establisimiyento ang pagpapalawig sa lockdown alert level system sa Metro Manila sa iba pang economic hubs, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa isang virtual conference ng Taskforce T3 (Test, Trace, and Treat), ilang business leaders ang nagpahayag ng pagkabahala na ang granular lockdowns sa ilalim ng bagong alert level system ay maaaring makaapekto sa operasyon ng mga kompanya sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
Subalit sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na maliit lamang ang saklaw ng granular lockdowns.
“It could be one, two houses, not even one street so don’t be worried about locking down a lot of workers. This will have a very minimal impact for the economy,” ani Lopez.
Aniya, base sa kanilang napag-usapan, ang lockdowns ay ipatutupad lamang sa residential areas at hindi sa mga pabrika o commercial establishments.
Para sa commercial areas na may COVID-19 cases, ipinaliwanag niya na isasara lamang ito ng isa o dalawang araw para bigyang-daan ang pag- disinfect.
“The granular lockdown and alert level system will be rolled out first to the regions which are big contributors to GDP (gross domestic product). So that will be our priority,” dagdag pa niya.
Ang bagong alert level system ay ipatutupad sa Region IV-A o Calabarzon kung saan matatagpuan ang maraming industrial zones, gayundin sa Metro Cebu para da Visayas, at Davao area sa Mindanao.
775473 678575Gems form the internet […]very couple of websites that happen to be detailed below, from our point of view are undoubtedly properly worth checking out[…] 654472
I’ve been searching for hours on this topic and finally found your post. majorsite, I have read your post and I am very impressed. We prefer your opinion and will visit this site frequently to refer to your opinion. When would you like to visit my site?