(Tiniyak ng DTI sa biz sector) WALANG NANG HARD LOCKDOWNS

Ramon Lopez

HINDI na magkakaroon ng hard lockdowns sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19, na pinalala ng mas nakahahawang Omicron variant.

Sa isang statement nitong Biyernes, sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na tiniyak sa kanila ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na magpapatupad ang pamahalaan ng massive lockdowns.

Sa halip ay itutuon umano ang restrictions sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Ang mga elected PCCI official ay nagsagawa ng virtual courtesy call kay DTI Secretary Ramon Lopez at sa iba pang trade officials noong Huwebes.

Muling nahalal si George Barcelon bilang PCCI president matapos ang kanyang naunang  termino noong 2015. Ang iba pang nahalal na opisyal ng PCCI na sumama sa courtesy visit ay sina architect Felino Palafox, vice president; engineer Eunina Mangio, vice president; Perry Ferrer, vice president; Sergio Ortiz-Luis, director and treasurer; Samie Lim, director; Alfredo Yao, director; Alegria Sibal Limjoco, former president and chair; Dr. Alberto Fenix at Edgardo Lacson, past presidents; Sallie Lacson, area vice president for South Luzon; Tess Ngan Tian, area vice president for NCR; at Ruben Pascual, secretary general.

Ang iba pang opisyal ng DTI sa miting ay sina Undersecretaries Ceferino Rodolfo, Rafaelita Aldaba, Blessy Lantayona, at Ireneo Vizmonte, at Assistant Secretary Allan Gepty.

“We are happy that the government is no longer imposing hard lockdowns as a safeguard measure against increasing Omicron cases. Otherwise, it would be difficult again for our economy to recover if businesses will be shut down,” sabi ni Barcelon.

Ipinarating din niya ang kahilingan ng pinakamalaking business group na maisama sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases nang sa gayon ay maayos nilang maipahatid ang mga isyu at rekomendasyon ng sektor.

Sa nasabing miting, sinabi ni Lopez na sa high level ng vaccination rate at sa  available medical treatment ay niluwagan na ang protocols para sa mga bakunado sa halip na magpatupad ng total lockdown.

Maaari rin aniyang palawigin ang “no vax, no labas” policy sa buong bansa. PNA