TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) sa local industries ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga ito mula sa posibleng pagtaas sa imports sa pagsisimula ng pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang partisipasyon ng bansa sa mega-free trade deal ay nagsimula nitong Biyernes, June 2, 60 araw makaraang isumite ng pamaha- laan ang instrument of ratification nito noong April.
Ayon kay Trade Assistant Secretary for International Trade Policy Allan Gepty, ang DTI, sa pamamagitan ng Bureau of Import Services nito, ay nagpapatupad ng isang import surge monitoring system.
“When you’re un- der a free trade regime, basically you’ve opened or liberalized the market either by lowering or making zero the tariffs for certain products,” pahayag ni Gepty.
“One big concern of local producers is the competition with imported products coming into our country. But, when imported products reach a point where the volume and value are too large and the increase is too swift and it threatens local producers, we have what we call a trade remedy,” aniya.
Isang free trade pact na unang lumutang noong August 2012, inaalis ng RCEP ang hindi bababa sa 90% ng taripa sa imports sa signatory countries, na kinabibilangan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga partner nito na Australia, China, Ja- pan, South Korea, at New Zealand.
Ang trade deal ay magtatakda rin ng uni- form rules sa trade fa- cilitation at intellectual property.
Ayon kay Gepty, kapag natukoy ng DTI na ang pagpasok ng imported products ay nagbabanta na sa local producers, maaaring i-activate ng ahensiya ang “safeguard measures” tulad ng “additional charges o additional safeguard duties.”
“It’s effect will be, the cost of importation will be higher, which will then be a deterrent for importers,” anang DTI official, at idinagdag na ang addition- al charges o duties ay magbibigay-daan din para maging patas ang presyuhan sa pagitan ng local at imported products.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang safeguard duties ay naaangkop lamang sa imported products na maaaring maging banta sa mga local producer.
“If the surge in imports won’t affect local producers, it’s okay,” ani Pascual.