(Tiniyak ng DTI) SUPLAY NG NOCHE BUENA ITEMS SAPAT

SINIGURO kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko ang sapat na suplay ng Noche Buena products.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, mahigpit na binabantayan ng ahensiya ang sitwasyon sa mga pamilihan habang papalapit ang Pasko.

Aniya, base sa kanilang monitoring ay may sapat na suplay at para sa ilang uri o kategorya ng produkto ay may iba’t ibang presyo na pagpipilian ang mga consumer.

Nang tanungin kung sumusunod ang mga retailer sa price guides, sinabi niya na may ilan na mas mababa pa ang presyo.

“Merong lumalabag in terms of selling below, competition seems to be working when you talk about certain categories of products,” aniya.

Dagdag pa ng kalihim na tiniyak sa kanila ng mga manufacturer na susundin ng mga ito ang price guide na itinakda.

Nilinaw rin niya na hindi ang DTI ang nagtatakda ng price guide sa mga produkto kundi ang mga manufacturer.

“By the way, it’s not DTI that sets the price guide, it was the manufacturers. They are imposing the price guides on their retailers. And if there is anyone among the retailers that is selling beyond the price guide provided by the manufacturers, these retailers will be answerable to the manufacturers. Our monitors will report them to the manufacturers,” ani Pascual.

Sinabi rin ni Pascual na ilang manufacturers ang humihirit ng taas-presyo sa kanilang mga produkto subalit pinag-aaralan pa ito ng ahensiya.

“There were requests for the adjustments of the SRP, not the price guide pending with us since February so we’ll be evaluating against the cost of raw materials and packaging materials. I have not gotten the report from our people if the requested adjustment will be granted or not.”