TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga exporter ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa industriya kahit pagkatapos ng pandemya.
Sinabi ni Export Marketing Bureau (EMB) director Christopher Lawrence Arnuco na nagbigay ang ahensiya ng ilang kaluwagan sa mga exporter sa simula ng pandemya at ipinagpatuloy ang capacity building ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) upang makatulong sa paghahanap ng oportunidad sa overseas markets.
“In the case of port handling, through the Export Development Council, we were able to lobby to the Department of Transportation and the Philippine Ports Authority to postpone rates on port operation until 2022. They identified major ports in the country to suspend temporarily the imposition of port rate increases,” pahayag ni Arnuco.
Maging sa kasagsagan ng pandemya ay aktibo, aniya, ang ahensiya sa pag-engage sa MSMEs sa buong bansa para sa business matching at itinutulak ang mga ito sa digital market.
Dagdag pa niya, may 81 local companies na may 339 produkto ang mayroon na ngayong live listings sa global online marketplaces tulad ng Amazon, eBay, at Etsy.
Sinabi pa niya na itinutulak ng DTI ang mga susog ng Export Development Act sa pamamagitan ng pagkakaloob ng insurance sa mga exporter, kung saan pinapayagan na ngayon ang gobyerno na magkaloob ng subsidiya sa mga exporter sa ilalim ng rules ng World Trade Organization.
Para sa 2022, nagtakda, aniya, ang EMB ng mga programa para palakasin ang export industry ng bansa sa ‘new normal’ tulad ng pagsasagawa ng training programs para sa SMEs sa food sector para sa market certifications, export promotion activities para sa high value coconut products, in-store promotion para sa halal coconut condiments, paglahok sa Taipei International Food Show, Import Goods Fair at Coffee Show Asian Trade Fair sa Korea.