SINIGURO ng Food and Drug Administra – tion (FDA) na walang shortage ng medicalgrade oxygen tanks sa bansa.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na sapat ang supply ng oxygen tanks sa buong bansa, kung saan iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang 50 porsiyento ng manufacturing capability ng oxygen plants ang ginagamit.
Ayon kay Domingo, ang medical-grade oxygen ay klinasipika bilang isang drug sa ilalim ng FDA Circular 2014-018 kung saan kinakailangan itong maging 99 percent pure at kailangang gamitin para sa “therapeutic, diagnostic, or prophylactic purposes.”
“Number one gas na nila-license ng FDA na gas ay oxygen. At ‘yung pressurized na tank kung saan siya nakalagay, ‘yung packaging niya, ina-approve at nire-regulate din ng FDA,” ani Domingo.
Nanawagan siya sa publiko na itigil ang pagtatago ng oxygen tanks sa bahay dahil bukod sa posibleng maging sanhi ito ng kakulangan ng supply para sa mga nangangailangan, ang hindi tamang paggamit nito ay maaaring magdulot ng “irreversible health dam-age.”
“Meron pong toxicity ang oxygen at puwedeng ma-injure actually ang ating baga kapag gumagamit tayo ng high concentration oxygen or ng pure oxygen nang hindi tama ang pagkakagamit nito,” sabi pa ni Domingo.
Gayundin ay sinabi ng opisyal na ang oxygen ay “highly combustible” at “flammable” at hindi dapat iimbak sa bahay para maiwasan ang catastrophic accidents.
“Puwede po talagang sumabog ‘yan, lalo na kapag nakatago sa high-pressure na tank. Daig po niyan ang LPG, mas malakas po ito.”
Kinakailangan din, aniya, ang prescription ng isang licensed physician para makabili ng medical-grade oxygen.
“So pinapakiusapan po (a)ng ating mga doktor magrereseta lamang ng oxygen kapag talagang kinakailangan ng pasyente. Lalo na ‘yung for home care.”
Noong Miyerkoles ay nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag mag-hoard ng medical oxygen tanks para maiwasan ang artificial shortage sa gitna ng pandemya. PNA
411862 411101Oh my goodness! an superb article dude. Thanks a whole lot Even so Im experiencing issue with ur rss . Do not know why Struggle to register for it. Can there be any person obtaining identical rss problem? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 285871
387080 695914really nice publish, i certainly adore this web site, carry on it 668314
520708 983499I agree with you. I wish I had your blogging style. 829358