(Tiniyak ng LRTA)WALA PANG TAAS-PASAHE SA LRT-1 AT 2

LRT2

HINDI pa magtataas ng pamasahe ang Light Rail Transit Lines 1 at 2, ayon sa Light Rail Transit Authority(LRTA).

Inamin ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na may fare hike petitions para sa LRT-1 at LRT-2 ngunit dadaan pa, aniya, ito sa mahabang proseso bago aprubahan.

“Fares in Lines 1 and 2 [on] status quo. We won’t increase tomorrow, next week, or next month. This will go through a long process and we will have to evaluate all factors, when it comes to fare adjustment,” sabi ni Cabrera.

Aniya, humihirit ang Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng LRT-1, ng boarding fee na P16 at pasahe na P1.50 kada kilometro.

“We will add the [additional revenue] to rehab and upgrading. The LRT-2 system is 20 years old, we really have to upgrade a lot of things,” ani Cabrera.

Ang hirit na dagdag-pasahe ay kailangan aniyang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Transportation (DOTr), at ng Rail Regulatory Unit.