(Tiniyak ni vaccine czar Galvez) BAKUNA SAPAT PARA SA LAHAT

Carlito Galvez jr

Makatitiyak na may sapat na vaccine para sa mga Filipino laban sa coronavirus disease COVID -19.

Ito ang tiniyak ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdinig ng Senate committee of the whole kaugnay sa vaccination plan ng pamahalaan

Mayroon nang 30 milyon doses ng Covid-19 vaccine at madadagdagan pa ng 60 milyon ngayong linggo.

Ginawa  ni Galvez ang pahayag, dalawang araw makaraan siyang lumagda sa term sheet sa Serum Institute of India para sa 30 million dos-es ng vaciine na Covovax.

Sinimulan  na ng Senado kahapon ( araw ng Lunes)  ang pagdinig hinggil sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.

Magugunitang, unang nagsumite si Senador Francis Kiko Pangilinan ng listahan ng mga nais nitong padaluhin sa isasagawang pagdinig.

Gayunman, dahil sa dami ng nais nitong ipatawag ay pinayuhan ito ni Senate President Vicente Sotto III na ang mga pinaka-importanteng resource person lamang gaya ng mga miyembro ng IATF at DOH ang imbitahan upang mas matalakay at maklaro ang mga pinakaimportanteng usapin.

Gaya na lamang aniya ng kung sino-sino at ilan ang mga mauunang bakunahan, paano isasagawa, saan iiimbak ang mga bakuna at kung magkanong pondo ang kakailanganin para sa kabuuang proseso nito.

Sa kasalukuyan, ang Covovxa vaccine ay nasa third-stage trial na sa United Kingdom, United States,Australia, Africa at India.

Ang naturang bakuna ay  nakatakda namang dumating sa bansa sa third quarter ng 2021.

“30 million doses are already “locked in” and may be increased by another 10 million. Another term sheet for some 60 million more doses may be signed this week, pahayag ni Galvez.

“Second, we cannot disclose all the other but we are potentially signing the term sheet of more or less another than 60 million within the week. All in all, we can secure already 100 million” pahayag pa niya

Gayunman,sinabi ni Galvez na ang unang delivery ng vaccine ay inaasahang darating sa Pebrero 20.

Ang pamahalaan ay naglaan ng P73.2 bilyon para sa pagbili ng vaccine sa 60 milyong Filipino.

Mangangailangan naman ng 20 hanggang 70 celsius temperature sa storage ng vaccine na magiging limitado sa NCR, Cebu at Davao. LIZA SORIANO

Comments are closed.