(ni CS SALUD)
NAUUSO na ngayon sa mga lalaki ang maging maalaga sa kanilang balat. Marami na ring mga produkto mula sa sabon, cleanser at moisturizer ang mabibili na swak sa mga kalalakihan.
Sa patuloy nga naman na pagdaan ng mga panahon, nagiging maingat na rin ang mga kalalakihan sa ka-nilang hitsura o kabuuan. Sabagay, kung maganda nga naman ang skin mo, mas comfortable ka at hindi ka mahihiyang makisalamuha sa marami.
Pero kung may mga lalaking iniingatan ang kanilang kabuuan, mayroon din namang tila walang pa-kialam. At sa mga nag-iisip kung paano pangangalagaan ang kanilang balat at magkaroon ng dagdag na pogi points, narito ang ilang tips:
MAGING MAPILI SA BIBILHING PANG-AHIT
Kung minsan, kung ano na lang ang nandiyan, iyon ang ginagamit ng marami. Mahirap nga namang gumastos nang gumastos. Sobrang mahal pa naman ang mga bilihin sa panahon ngayon. Pero may mga tamang pagtitipid. At ang pagbili ng mumurahing pang-ahit ay maling pagtitipid. Kasi kung mumurahin lang ang binili, mas madali itong masira. Hindi mo rin ito mapakikinabangan ng matagal. Isa pa, baka lalo pang masira ang balat mo o magkasugat ka kung mumurahing pang-ahit ang ginagamit mo. Gumamit ka rin ng moisturizing shaving cream para mapangalagaan ang iyong balat.
GUMAMIT NG FACIAL WASH
Kagaya ng mga kababaihan, may angkop na facial wash din para sa mga lalaki. Kaya, para mapangalagaan ang skin, huwag basta-basta gagamit ng matatapang na sabon.
Nakapagpapa-dry ito ng mukha. Kapag dry pa naman ang mukha ng isang tao, tumatanda itong tingnan.
Kaya isang tip, iwasan ang paggamit ng matatapang na sabon lalo na sa mukha.
Sa mga kalalakihang may sensitive skin at combination skin, ilan sa mga puwedeng subukan ay ang mga facial wash na may al-oe vera, charcoal at olive oil
Sa mga may oily face naman, mainam ang facial wash na coconut-based cleanser at aloe.
MAGLAGAY NG SUNSCREEN
Isa pa sa tips para mapangalagaan ang inyong skin ay ang paglalagay ng sunscreen bago lumabas ng ba-hay.
Hindi lamang mga babae ang nararapat na gumamit ng sunscreen, gayundin ang mga kalalakihan. Sig-uraduhin lang na swak sa klase ng iyong balat ang sunscreen na pipiliin at may tamang SPF.
MAGSUOT NG PRESENTABLENG DAMIT
Importante rin siyempre ang pagiging presentable ng kabuuan. Kaya naman, magsuot ng presenta-bleng damit. Maging malinis din sa katawan.
MAGTIWALA SA SARILI
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili dahil nakadaragdag ito ng pogi points ng isang lalaki. Ano man ang suot mo o gaano man ito kaganda o kapresentable, mawawalan ito ng saysay kung wala kang tiwala sa iyong sarili.
Kaya tandaan, importante ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
Simpleng tips lamang ang mga nabanggit ngunit malaki ang maitutulong nito sa isang lalaki para magka-roon ng dagdag-pogi points. (photos mula sa brickellmensproducts.com at mantelligence.com)