TIPS PARA MALAMAN KUNG ANONG NEGOSYO ANG PATOK SA IYO

quarantips

MAPANGAHAS ang pagpasok sa negosyo.  Kung malambot ang ilong mo, huwag na lang.  Manatili ka na lang empleyado.

Hindi kasi basta naisipan lang ang pagtatayo ng negosyo dahil alalahanin dapat may alam sa pasikot-sikot nito.

Kung nais mong pumasok sa dealership, dapat tukoy mo kung anong produkto at personal mong alam kung iyong idi-deal ganoon din kung paano ang kitaan.

Para sa mga nagnanais magnegosyo na lamang at ayaw nang mayroong boss,narito ang tips para matukoy sa sarili kung ano ang iyong magiging pinagkakakitaan.

  1. Kung ikaw ay mahilig kumain sa labas o restaurant, iyon na ang iyong future business. Dahil ikaw na mismo ang kostumer,alam mo na ang iyong papasuking negosyo. Una, ano ba ang madalas mong reklamo kapag nasa restaurant? Lasa ng pagkain,lugar, at serbisyo.

Ang iyong madalas na reklamo sa isang restaurant, iyon ang magiging basehan mo kung paano ito patatakbuhin.

  1. Mahilig sa pagkain. Kung mahilig sa cake and pastries, iyon din ang gawin mong negosyo. Ikaw mismo ang nais ng pagkakagawa ng cake, kaya para i-share ito sa iba, kumikita ka pa.
  2. Mahilig ka sa damit. Depende sa klase ng kasuutan,puwedeng girly gaya ng palda, bestida, maong pants o slacks. Kung ititinda o tatahiin mo ito, may mga ideya ka na kung paano patatakbuhin ang iyong negosyo at iyon din ang paraan mo para pumatok ang pinasok na business.
  3. Repeat costumer ka ng salon at spa. Para hindi ka na gumastos sa serbisyo at nais mo talaga ng sariling negosyo, why not, puwede kang magtayo ng salon, spa o wellness center.
  4. Mahilig ka sa cosmetics. Go! Lahat ng umasenso sa selling at dealership, nag-alok ng kilalang pampaganda at dahil ayaw mo nan g 8am-5pm job, magbenta ka na rin ng cosmetics at maging pabango.

Walang masama kung pumasok sa negosyo, mas mahirap ang magreklamo gayung hindi pa naman nasusubukan at higit sa lahat lakasan ng loob.

Comments are closed.