TIPS PARA MAPANATILING LIGTAS ANG PAGKAIN

PAGKAIN-1

(Ni CHE SARIGUMBA)

SOBRANG init na ng panahon. Tinatayang ta­tagal hanggang Hulyo ang matinding init ng panahon.

Ngunit kapag sobrang init ng panahon, madaling masira ang mga pagkain. Tumataas din ang kaso ng food poisoning dahil ma-da­ling kumalat ang harmful bacteria sa ganitong mga panahon.

Kaya para masigurong ligtas ang pamilya, sa kahit na anong pagkakataon, narito ang tips na dapat isaalang-alang:

PANATILIHING MALINIS ANG PINAGLALAGYAN  NG PAGKAIN

Isa sa kailangan at dapat nating tandaan ay madaling kumalat ang bacteria kapag sobrang init ng panahon. Kaya naman, pan-atilihing malinis ang lugar na paglalagyan mo ng pagkain. Siguraduhin din na malinis ang mga kitchen utensil bago at matapos itong gamitin.

PANATILIHING MALINIS ANG MGA KAMAY

Para makaiwas sa kahit na anong sakit ngayong napakatindi ang init ng panahon, napakahalagang napananatili nating malinis ang ating mga kamay.

Kumbaga, sa pagluluto, hindi lamang paglalagyan ng pagkain at ang mga lulutuin ang dapat na nasisigurong malinis kundi mag-ing ang mga kamay.

Sa paghuhugas ay gumamit ng sabon at maligamgam na tubig saka tuyuin itong mabuti.

IHIWALAY ANG LUTONG PAGKAIN SA HILAW

Huwag ding pagsasamahin ang mga lutong pagkain at ang hilaw na pagkain. Guma­mit ng tupperware kung ilalagay sa ref ang mga pagkain para maiwasan ang pagkalat ng harmful bacteria.

Huwag ding hahayaang tumagal ng isang oras sa mainit na lugar ang pagkain. Ilagay rin kaagad sa ref ang mga leftover food. Huwag din itong palalampasin ng limang araw bago kainin.

At kung sakaling wala kang planong kainin ang leftover food sa pagitan ng tatlo hanggang limang araw, idiretso na ito sa freez-er. Alamin din kung kailan masisira at dapat itapon ang mga pagkaing nasa loob ng inyong ref.

Kung may mga sirang gulay o prutas,  alisin kaagad o ihiwalay kaagad sa mga pagkaing maayos pa at maaari pang kainin.

SIGURADUHING LUTONG-LUTO ANG PAGKAIN

Siguraduhin ding nalutong mabuti ang pagkaing ihahanda sa buong pamilya. Kapag hindi kasi naluto ang mga pagkain ng maayos ay madali itong masisira.

Kaya’t para maiwasan ang pagkasira at pagkasayang ng mga pagkain, lutuing mabuti ang ihahanda sa pamilya. Para rin fresh at bacteria free ang kahihiligang pagkain, piliin ang mga maiinit na pagkain.

IWASANG MAGLUTO NG MADALING MAPANIS

Isa rin sa dapat munang iwasan ay ang pag­luluto ng mga pagkaing madaling mapanis gaya ng mga pagkaing may sangkap na tomato sauce at gatas.

Kung sakali namang hindi maiiwasan, maari namang kainin kaagad pagkaluto.

KAPAG KAKAIN SA LABAS, MAGING MAPILI

Kung mahilig din naman kayong kumain sa labas o mahilig kayong um-attend ng party kapag summer, maging maingat din sa pagkaing iyong kakainin. May mga pagkain kasi sa party o sa labas na madaling masira kapag sobrang init ng panahon gaya na lamang ng spaghetti. Kaya naman, bago lantakan ang pagkain, i-check munang mabuti kung puwede pa itong kainin. Mas maganda na iyong maging maingat kaysa sa magpabaya tayo sa ating kalusugan.

HUGASANG MABUTI ANG PRUTAS AT GULAY

Importante ring nahuhugasang mabuti ang mga prutas at gulay upang matanggal ang duming nakakapit sa mga ito.

Mas safe rin kung bago hihiwain ang mga gulay at prutas ay nahugasan na itong mabuti nang masigurong hindi nalilipat ang bacteria mula sa knife o kutsil­yong gagamitin patungo sa prutas o gulay.

Ilang simpleng tips lamang ang mga ito ngunit malaki ang maitutulong upang maging ligtas tayo nga-yong summer. (images source: articles.extension.org, foodsafetytrainingcertification.com at filters-fast.com)

Comments are closed.