(Titiyakin ng DA-BFAR sa gitna ng banta ng El Niño)SAPAT NA SUPLAY NG ISDA

ISDA-5

NAGPAPATUPAD ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng mitigating measures upang matiyak ang sapat na suplay ng isda habang naghahanda ang bansa sa pagsisimula ng El Niño.

Sa isang statement, sinabi ni DA-BFAR national director Atty. Demosthenes Escoto na ang weather phenomenon, na tinatayang mararamdaman simula sa Hunyo, ay may positibo at negatibong epekto sa local supply.

Ayon kay Escoto, ang El Niño ay maaaring umayon sa archipelagic species tulad ng tuna at sardinas dahil mas gusto ng mga organismong ito ang mas mainit na temperatura.

Gayunman, ang weather phenomenon ay maaari aniyang maging mapaghamon sa land-based aquaculture species gaya ng bangus at tilapia dahil ang mas mababang water levels ay maaari ring mangahulugan ng kakapusan sa dissolved oxygen sa kanilang habitat.

Noong Martes ay nag-isyu ang state weather bureau PAGASA ng El Niño alert kasunod ng mga pagtaya na ang phenomenon ay maaaring tumama sa susunod na tatlong buwan sa 80% probability at maaarinh tumagal hanggang sa first quarter ng susunod na taon.

Sinabi ni Escoto na maaaring mapagaan ng local fisherfolk ang epekto ng El Niño sa kanilang huli sa pagsunod sa mabuting aquaculture practices.

“The DA-BFAR is encouraging fisherfolk to have good aquaculture practices like having the appropriate stock or number of fingerlings in their cages so they won’t lack oxygen, thus lessening the probability of fish kill occurrence,” aniya.

Iginiit ng opisyal na ang mitigating measures ay ipinatutupad upang mapalakas ang aquaculture production bago ang El Niño.

“The strategies include intensifying information, education, and communication campaigns among fish farmers; boosting production of fish farming in cages in the mariculture parks; and ensuring sufficiency of fry and fingerlings,” sabi pa niya.