APRUBADO sa Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang kahilingan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isama ang ilang TNT players sa Gilas Pilipinas.
Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, ang desisyon ay unanimous, na nagbibigay sa Tropang Giga ng kalayaan na maglaro para sa Gilas Pilipinas, lalo na sa darating na February window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, na iho-host ng Pilipinas.
“I’m very pleased to say that the PBA once again will adjust its schedule to allow some players from TNT to play with Gilas not only during the window but also during the practice,” sabi ni Vargas sa isang press conference.
“It was a unanimous decision.”
Makakaharap ng Gilas, nag-qualify na sa World Cup dahil sa hosting rights, ang South Korea sa February 24 bago sagupain ang India sa 25th at New Zealand sa 27th. CLYDE MARIANO