BIBISITA ang top sports official ng bansa sa huling session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes bago ang pagsisimula ng Paris Olympics.
Magiging panauhin si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa 10:30 a.m. session sa conference hall ng Rizal Memorial Complex upang talakayin at i-assess ang Olympic campaign ng bansa.
Si Tolentino ay kauuwi lamang mula sa Metz, France upang pangasiwaan ang training camp ng compact Philippine contingent.
Nakatakda siyang umalis patungong Paris upang pangunahan ang kampanya ng mga Pinoy na mahigitan ang hindi malilimutang one gold, two silver, at one bronze medal haul sa 2020 Tokyo Games.
Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa public sports program na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at ArenaPlus, ang 24/7 sports app ng bansa.
Naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation, ang Forum ay mapakikinggan din sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 at isini-share ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.