NAKAAMBANG tumaas ang singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX); Subic – Clark – Tarlac Expressway (SCTEx); Star Tollway at Cavitex.
Kasunod ito ng pahayag ng Toll Regulatory Board (TRB) na posibleng aprubahan nila ang hirit na 14 hanggang 45 porsiyento na taas singil ng apat na expressways.
Sinabi ni Bert Suansing, tagapagsalita ng TRB, na matagal-tagal na ring hindi nag-taas ng singil ang nasabing mga expressway.
Gayunman, sinabi nito na isasailalim pa nila sa deliberasyon ang naturang petisyon kung saan gagamitin nilang batayan sa pagpapasya ang consumer price index, tindi ng trapiko at epekto ng Tax Reform Law. DWIZ882
Comments are closed.