INAPRUBAHAN na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pangongolekta ng toll sa unang 2.2-kilometer segment ng Cavitex-C5 Link Ex pressway at ang pagtataas ng toll rates para sa Manila- Cavite Toll Express way (Cavitex).
Ayon sa Metro Pacific Tollways South Management Corp., ang provisional initial toll para sa C5 South Link Expressway ay kokolektahin sa mga motorista simula sa Oktubre 24.
Samantala, ang dagdag-singil sa Cavitex ay ipatutupad matapos na magpalabas ang TRB ng Notice to Start Collection.
Ang bagong toll rates para sa unang 2.2 kilometers ng C5 South Link ay P22 para sa class vehicles o mga kotse, P44 para sa class 2 vehicles o mini vans at buses, at P66 para sa class 3 vehicles o malalaking truck at trailers.
Sa sandaling matapos, ang buong 7.7-kilometer C5 South Link Expressway ay inaasahang magseserbisyo sa 50,000 sasakyan araw-araw.
Samantala, ang bagong toll rates para sa Cavitex ay P25 mula sa P24 para sa class 1 vehicles, P50 mula sa P48 para sa class vehicles, at P75 mula sa P72 sa class 3 vehicles.
Sinabi ng Metro Pacific Tollways na tuloy-tuloy ang trabaho ng Cavitex Infrastructure Corporation sa P1.1-billion-enhancement ng Cavitex, kung saan ang Phase 1 ay ang P800-million na pagpapalawak sa lanes at konstruksiyon ng left-turn facility sa Marina Flyover na nagbukas noong Disyembre 2018. Nagpapatuloy naman ang konstruksiyon para sa Phase 2 o ang P300-million widening ng mga tulay sa Wawa, Las Piñas, at Parañaque na inaasahang matatapos sa Mayo 2020. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.