TOM RODRIGUEZ, PROUD DAD

Inamin ni Tom Rodriguez na may four-month-old baby boy na siya sa bagong karelasyon, at sila talaga ang inspirasyon niya sa ngayong kahit malayo man kami sa isa’t isa.

“I’m a happy new dad to a very, very healthy and beautiful baby boy. He’s four months old today. He’s my constant source of inspiration and he makes me so happy. I have ne­ver experienced happiness at this level,” ani Tom.

“Akala ko, hindi posible. Akala ko, na-experience ko noon, kasiyahan dati, but… wow!!!”

Sobrang proud daw siya sa pagiging ama at sa totoo lang ay gusto niyang sabihin sa buong mundong may anak na siya. Gusto raw niyang ituro sa kanyang anak paglaki nito na dapat ay may proper boundaries sa main life at professional life para hindi nito maranasan ang mga naranasan niya.

Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, ano ang pinakamasakit na paghihiwalay na pinagdaanan niya. Basta ang pinakamasakit na naranasan niya ay nung kailangan niyang bumalik sa trabaho at iniwan niya ang kanyang mag-ina.

“Ang hirap! Dun ko naranasan na parang reverse OFW ako. Ang hirap pala kaya hindi ko kaya!” sabi pa niya.

Pero at least, may babalikan siya ngayong mag-ina. Sabi pa niya, kung hindi raw niya pinagdaanan ang lahat, hindi niya makakamit kung anong meron siya ngayon.

“At kung anong me­ron ako ngayon, never ko ipagpapalit.”

“Korben” daw ang pangalan ng baby ni Tom, at may dalawang dimples din ito. Kahawig ng ama.

Nilinaw niyang divorced na sila ng dating asawang si Carla Abellana nang nakilala niya ang American girlfriend niya na ina ng kanyang anak.

“Nag-meet kami after nung divorce namin. So everything na meron ako ngayon is a good start,” dagdag pa ni Tom.

Thankful nga raw siya sa Diyos na binigyan siya ng second chance in love.

Kung magkakaharap man umano uli sila ni Carla, wala namang problema. Sarili na lang at pamilya niya umano ang focus niya ngayon.

“Hindi mo naman maiwasan, like I said, the world is small din,” aniya. “Pero puwede ka namang lumihis.”

Malaki raw kasi ang impact ng fatherhood sa kanyang career. Si Korben nga raw ang dahilan kaya siya bumalik sa showbiz. Ito raw ang nagsisilbing filter ng buhay niya — na lahat ng gagawin niya, iisipin muna niya kung makaaapekto sa bata.

“May part sa akin na ayoko nang bumalik {sa showbiz}. And yet I would like to show him that I can finish things that I’ve started, to set a good example.”

Tuloy ang kontrata ni Tom sa Kapuso network hanggang 2026. After that, hindi pa niya alam. Bahala na raw dahil malayo pa naman.

“Na-experience ko na rin na wala nang two years, at OK na OK ako. Hindi ko pala kailangan ang showbiz para ma­ging kuntento sa buhay. And yet it’s something that I’m very grateful for because it’s something that I do love din.

“Kaya sabi ko, ‘Lord, it’s up to You.’ Kasi yung mga gusto ko sa buhay, hindi ako entitled dun, e.

“These past two years, wala akong stress. ‘Lord, You got me. Kung anong kailangan ko, ibibigay Mo.’

RLVN