Nakipag-meeting pala kamakailan si Toni Gonzaga kay ABS-CBN executive Charo Santos.
Ibig sabihin ba nito, babalik na siya sa Kapamilya network?
Kasama pa nga raw sa meeting ang mister ni Toni na si Paul Soriano.
Naging kontrobersiyal kasi ang pag-alis ni Toni sa ABS-CBN noong 2022 dahil kumampi raw siya sa ilang politikong may kinalaman sa pagpapasara sa kanyang home network noong 2020.
Si Miss Charo naman talaga ang nagpatawag ng lunch-meeting, malinaw yon. Ang hindi malinaw ay kung para saan ang meeting.
May project ba o wala?
Pero magpapatawag ba si Ms. Santos ng meeting for nothing?