MAGKAKASUNOD na comment ni DFA Sec. Teddy Boy Locsin Jr. ang ibinato nito para sa actor na si Tony Labrusca. Unang comment nga ni DFA Secretary ay, “Just deport him,” bilang reaction sa ginawa ng actor sa NAIA. May nag-agree na ipa-deport ang actor pero may-roon din namang nakaunawa kay Tony.
Comment ni Sec Locsin, “It is overcrowded!” na ang kagaya raw ni Tony ay dapat hindi pinapapasok sa ating bansa.
May naaliw naman sa comment ni Sec Loscin na, “Who is he?” at “Still have no idea who he is” kay Tony Labrusca na talent ng ABS-CBN at pinag-usapan dahil sa ginawa nilang pelikula ni Ms. Angel Aquino na “Glorious.”
Reaction naman ng nagmamahal sa actor sa comment ni Sec. Locsin. Wala naman daw talagang kilalang artista ‘yang DFA Secretary. Hindi rin na-man daw kilala itong si Teddy Boy Locsin kung hindi pa ginawang DFA Secretary kaya nakilala kahit paano.
Well, doon naman sa nag-tag kay Sec. Locsin ng campaign photo ni Tony para sa Lee Jeans. Reaction ni Secretary ay, “His clothes are too big for him.”
Samantala, magkaiba naman ang naging reaction ng mga magulang ng actor na sina Boom Labrusca at Mrs. Angel Jones.
Si Siri Boom, humingi ng sorry sa Immigration Officer sa naging behavior ng kanyang anak at ang sabi ay, “Hi, mam, kung ano man po ang naging problema, humihingi po ako ng dispensa sa inyo. Pasensiya na po kayo mam, btw nag- pm po ako.”
Si Madam Angel naman ay nag-series of tweets: “Everyone will always have something to say no matter what you do. Can`t please them all. It`s sad that people love fake news and enjoy hating people that do well and you can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe.”
May kumampi at nakisimpatiya sa nanay ni Tony at mayroon din naman nagsabi na hindi raw ‘yun tsismis dahil may witness at may video pa.
Well, ma-deport nga kaya ang actor na kung kailan sumikat at pinag-uusapan na ngayon sa showbiz saka pa mawawala.
JOSE MANALO PINILI NI TITO SEN PARA SA SOLO MOVIE
BUKOD tangi si Jose Manalo lang ang pinili ni Senator Tito Sotto na bigyan ng solo movie sa ilalim ng kanyang first venture movie production na VST Production, ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo na idinirek ni Tony Y Reyes.
Ayon kay Jose matagal na raw sinabi sa kanya ni Tito Sen ang naturang project at kung hindi siya nagkakamali ay 5 years ago pa raw ito nila napag-usapan.
Tanong ng karamihan ay bakit daw siya lang at hindi isinama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros? Natawa na lang si Jose at sinabi na sinabi raw sa kanya ni Tito Sen na bagay sa kanya ang role.
“Ayon daw doon sa kuwento ni Tita Kitchie (Benedicto na siyang may concept ng project) bagay raw sa akin ‘yung role. Ako na ako raw ‘yun. Siguro, ‘yung pagiging madaldal ko,” say ni Jose.
Sa totoo lang daw ay hindi pa rin siya makapaniwala noong una na talagang matutuloy ang movie hanggang sa tinawagan na siya ni Direk Tony Y Reyes at sinabihan na magsu-shooting na sila. Doon pa lang siya naniwala na totoo nga.
Bukod sa pagiging proud, happy at excited ay malaki pa rin daw ang pressure on his part dahil siyempre, paano raw kung hindi kumita.
“Nakaka-pressure talaga. Iniisip ko, sana magustuhan. Ginawa naman namin talaga lahat.”
Ang Boy Tokwa ay isang true to life story ni Rodrigo Morelos na binansagang Boy Tokwa. Isa siyang swindler pero itinutulong din daw nito sa iba ang perang nakukurakot sa mga foreigner.
TWITTER ACCOUNT NI DENNIS TRILLO NA-HACK
NA-HACK daw ang Twitter account ni Dennis Trillo kaya gustong iparating ng GMA network na ang recent tweets daw ng actor ay hindi galing sa kanya.
Kahit hindi malinaw kung kailan na-hack ang account ni Dennis, marami ang nagsasabi na ang huling dalawang tweets ng actor ay hindi na sa kanya.
Isa raw dito ay ang sagot niya sa isang netizen na humihiling na sana`y magkasama sila ni former Senator Bong Revilla sa isang pelikula.
Ang naging sagot daw kasi ni Dennis ay, “Bad idea.” Hinding-hindi raw ito sasabihin ni Dennis.
Well, dapat na nga siguro na magtatag ng grupo ang mga artista sa pangunguna ni Luis Manzano para masupil na ang mga walang magawang tao na walang ginawa kundi manita at manggulo.
Tama nga ang sinabi at post ni Luis na, “Social media has made too many of you comfortable with disrespecting people and not getting punched in the mouth for it.”
Comments are closed.