TOP 2 FINISH ASAM NG E-PAINTERS

pba

Mga laro bukas:

(Filoil EcoOil Centre)

5 p.m. – Blackwater vs Rain or Shine

7:30 p.m. – Magnolia vs Phoenix

ANG SUNGGABAN ang oportunidad na inaalok sa kanila ngayon ang parehong layunin ng Rain or Shine at Blackwater sa kanilang paghaharap sa PBA On Tour ngayong Linggo sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.

Target ng Elasto Painters, may 7-2 kartada, ang ikalawang sunod na panalo na sisiguro sa kanilang top two finish sa pre-season joust.

Puntirya naman ng Bossing ang pambihirang ika-4 na sunod na panalo na mag-aangat sa kanilang record sa 7-3 at magpapalakas sa kanilang tsansa para sa No. 2 overall papasok sa kanilang huling laro kontra TNT sa pagtatapos ng torneo sa susunod na Linggo.

Ang huling pagkakataon na nanalo ang Blackwater ng apat na sunod ay sa Philippine Cup noong nakaraang season, ngunit sinabi ni coach Jeff Cariaso sa bisperas ng kanilang laro na ang maulit ang naturang streak ay isa lamang sa kanilang mga hinahangad.

“In tomorrow’s game we are looking at it as an opportunity to continue the winning streak,” sabi ni Cariaso.

This may not be a regular conference, but our approach is to look at these games like it is and do our best to maximize what we can learn,” dagdag pa niya.

Sa main game sa alas-7:30 ng gabi ay magsasalpukan ang Magnolia at Phoenix.

CLYDE MARIANO