LAGUNA – BUMAGSAK sa kamay ng pinagsanib na elemento ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) Special Operating Team/RHPU4A at Calamba City Police ang 70-anyos na Lolo kaugnay ng kinasasangkutan nitong kaso ng Carnapping sa nasabing lalawigan.
Sinasabing sa loob ng mahigit na walong taong pagtatago sa batas, naaresto sa pamumuno ni Laguna HPG Chief Capt. Charlie Reyes ang suspek na nakila-lang si Bernardo Manuel y San Pedro kabilang sa Top 3 Most Wanted Person, residente ng Bgy. Real, Calamba City.
Batay sa isinumiteng ulat ni Reyes kay RHPU4A Regional Chief PLt. Col. Samson Belmonte, agarang nagkasa ang mga ito ng Operation Manhunt Charlie sa lugar dakong alas-4:00 ng hapon noong Martes matapos mamataan ng mga ito ang suspek.
Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Gregorio M. Velasquez, Presiding Judge, RTC Br 35, Calamba City kaugnay ng paglabag sa ka-song RA-6539 (Carnapping) nadakip ang suspek na may Bail Recommended na umaabot sa P170k.
Samantala, nabatid sa talaan na responsable ang suspek sa kaso ng Carnapping ng isang tricycle sa lungsod ng Calamba mahigit walong taon na ang naka-karaan kung saan nagawa nitong makatakas at makapagtago sa batas. DICK GARAY
Comments are closed.