TOP 50 NG PSC ZUMBARANGAY IHAHAYAG NA

PANGANGALANAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang 50 entries para sa Zumbarangay Pilipinas: Solo Exercise On-Cam Challenge sa webisode ng Rise Up Shape Up ngayong Sabado, October 2.

Ang top 50 entries ay pipiliin ng panel of judges na binubuo ng  international experts sa larangan ng fitness and dance sports. Ang judging ay ibabase sa form and style, vigor and energy, at creativity and originality.

Ang mapipiling entries ay uusad sa third qualifying round at tatanggap ng tig-Php 1,000 each.

“More than the positive health benefits of exercise, Zumbarangay Pilipinas challenge can also be a simple start for Filipinas to be confident on their strength, their ability to move and hold presence, and eventually try out sports too,” wika ni PSC Women in Sports oversight Commissioner Celia H. Kiram.

Inilunsad ng PSC ang nationwide Zumbarangay campaign sa layuning makapagbigay ng oportunidad sa lahat women and girls na magkaroon ng aktibong lifestyle sa panahon ng community quarantine period.

Inilabas din ng sports agency ang kauna-unahan nitong official dance exercise music na may titulong “Igalaw-galaw ating Ka-tawan” upang mahikayat ang bawat isa na kumilos at gumalaw-galaw para sa malusog na pangangatawan.

Ang country-wide exercise campaign ay tumanggap ng entries sa apat na kategorya: Women Frontliner, Women Open, LGBTQ category, at kids and young category.

Comments are closed.