ISA sa Central Luzon’s high ranking NPA terrorist na may patong sa ulo na P4.7 milyon ang nadakip ng mga tauhan ng AFP- Northern Luzon Command (NOLCOM) na pinamumunuan ni Army Lt. Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr. at local police sa isinagawang joint law enforcement operations sa Mexico, Pampanga.
Ayon kay Burgos, malaking dagok sa CPP-NPA ang pagkakadakip kay Jose Esperila Bernardino sa Brgy. Sapang Maisac sa bayan ng Mexico, da-lawang araw lamang ang nakaraan matapos na maaresto si Amanda Echanis alias Waya, Cagayan Valley NPA Finance Officer sa Baggao, Cagayan.
“Your security forces’ ability to neutralise two key NPA leaders in two days is a manifestation of the effectiveness and efficiency of our intelligence network emplaced across all areas north of Metro Manila”, ani Burgos.
Sinabi pa ni Burgos ang pagkakadakip kay Bernardino ay lilikha ng leadership vacuum sa hanay ng CPP-NPA sa panahong wala nang natatangap na suporta ang kilusan sa sambayanan na lumilikha ng takot demoralisasyon at kalituhan sa hanay ng mga kalaban ng estado.
Dahil dito, nanawagan si Burgos sa nalalabing kasapi ng NPA communist terrorists group sa Regions 1, 2, 3 at CAR na magbalik-loob na sa pamahalaan at samantalahin ang inaalok na government grants sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ipagdiwang ang Pasko kasama ang mga mahal sa buhay .
Sa report na isinumite ni Major General Alfredo Rosario, Commander ng Army’s 7th Infantry Division, nabatid na si Bernardino alias Oying ay notoryus na NPA Secretary ng Central Luzon’s Regional White Area Committee na siyang nangunguna sa extortion, labor organising at youth recruitment sa mga urban area sa Region 3.
Ang suspek ay nahulihan ng caliber .45 pistol, isang hand grenade, phones, sim cards, at ibat ibang dokumento na pinaniniwalaang may intelli-gence values.
“He was arrested by virtue of a warrant issued by Presiding Judge Paul Attolba Jr ng Bangbang, Nueva Ecija’s RTC Branch 30,” ayon kay Rosario.
Nakatuwang ng 7th ID sa pagdakip kay Bernardino ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Director P/Maj. Gen. Joel Napoleon Coronel. VERLIN RUIZ
Comments are closed.