IBINASURA ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang magpatupad ng total ban sa pag-angkat ng domestic at wild pigs, kanilang karne, meat products, at by products maging sa mga bansang hindi pa apektado ng African swine fever (ASF).
Ayon kay DA Undersecretary for Policy, Planning, Research and Development and Regulations Segfredo Serrano, ang ban ay lalabag sa World Trade Organization Agreement on the Application of Sanitary and Phytosanitary Measures o SPS Agreement.
“We can only ban on those countries na may ASF. In fact, tinanong na rin po ako ni Secretary (Manny) Piñol, sabi niya, ‘Puwede ko bang i-ban al-together?’ Sabi ko kung mayroon kang prima facie evidence on precautionary ground,” pahayag ni Serrano sa pagdinig ng Senate Committee on Agri-culture and Food.
“If you ban countries that have very clean records like US, Canada, in fact the whole of North and South America, which are of course livestock and meat producing, magkakaproblema tayo kasi wala po tayong legal reason lalo na kung nakaka-comply sila,” paliwanag pa ni Serrano.
Aniya, maaaring kuwestiyunin ng mga apektadong bansa ang ban dahil nakakasunod sila sa SPS agreement.
“Kung hindi sila nakaka-comply sa ating mga requirements saka sa standards, hindi makapasa sa inspection natin ay talagang mayroon tayong rea-son to ban them on a country to country basis,” sabi pa ng opisyal.
Sa naturang pagdinig ay ipinanukala ni Dr. Rufina Salas, chairperson ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries- Committee on Poultry, Livestock and Feed Crops (PCAF-CPLFC), ang pagpapatupad ng total ban sa pork imports.
“We are suggesting if it is possible, considering there is enough inventory of pork to cover 60 days, to have a temporary total ban on the importation of pork even from countries that are not yet declared as ASF-infected,” aniya.
Sa kasalukuyan, ang Filipinas ay nagpalabas ng importation ban sa 15 bansa na apektado ng ASF, kabilang ang Russia, Ukraine, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary, Bulgaria, Belgium, Latvia, Poland, Romania, China, Mongolia, at Vietnam.
Ang Belgium ay isa sa major sources ng imported pork ng Filipinas. Batay sa 2017 data, ang pinakamalaking importer ay Germany, kasunod ang Spain, Canada, United States, France, Netherlands, United Kingdom, Ireland, Denmark, Australia, Brazil, Austria, at Italy.
Samantala, umalma ang National Federation of Hog Farmers (NFHF) sa sobra-sobrang importasyon ng baboy ng bansa.
Sa nasabing pagdinig, ipinaliwanag ni Chester Warren Tan, chairman ng NFHF, na noong 2018, ang demand ng baboy sa bansa ay nasa 1.7 bil-lion kilograms kung saan ang supply ay nasa 1.6 billion kilograms lamang.
Sa pangyayaring ito, sinabi ni Tan na kinakailangan ng gobyerno ng karagdagang 100 million kilograms para maging sapat ang supply ng pork sa bansa.
Subalit napag-alaman ni Tan na mahigit sa 400 million kilograms ng baboy ang inangkat kung kaya nagkaroon ng so-brang 300 million kilograms na supply o 60 to 70 days buffer stock ng pork. VICKY CERVALES
Comments are closed.