MATAPOS ang magkasunod na trahedya ng landslides na kumitil ng maraming buhay sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu ay pinag-iisipan muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipatigil ang pagmimina sa bansa.Batid na pangarap ng Pangulo na magpatupad ng total ban sa pagmimina at ipasara na ang lahat ng minahan sa bansa.
“So that’s the entire picture of what a storm is. It means death. It means the collapse of so many mining. Actually, it’s a — to me, I have this great dream because there is a law which allows mining,” anang Pangulo.
Idinagdag pa nito na hindi sapat ang P70 bilyon na kinikitang buwis mula sa mining industry bilang kapalit o kabayaran sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina.
Sa kabila nito ay pumiyok ang Pangulo na wala siyang magagawa dahil sa umiiral ang batas sa pagmimina o ang Mining Act kaya ang Kongreso lamang ang maaaring magbasura o magpawalang-bisa rito.
“And it is an act of Congress which I cannot overrule. I can only implement the measures therein the law. But to have the law or not, that’s not for the Executive department, it belongs to the legislators,” pahayag ng Pangulo.
Kontra rin umano ang kanyang economic advisers sa total mining ban dahil sa mawawalang buwis na kikitain ng gobyerno at marami ang mawawalan ng trabaho sa pagmimina.
Comments are closed.