ISASAILALIM sa isang linggong total lockdown ang Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City simula sa bukas, Mayo 7 hanggang Mayo 14.
Napagpasyahan ito sa pulong na pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos at mga opisyal ng city health department at mga miyembro ng City Epidemiology And Surveillance Unit ng Mandaluyong City Medical Center, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army.
Isang linggong ipatutupad ang total lockdown sa barangay matapos makapagtala ng pinakamaraming COVID-19 cases sa buong lungsod.
Habang ipinatutupad ang total lockdown, magsasagawa ng random rapid testing sa 3,000 mga residente.
Naghatid na rin ang pamahalaang lungsod ng food packs sa bawat bahay para sa lahat ng residente ng barangay na nagsimula kahapon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.