TOTOY SAPOL NG LIGAW NA BALA, KAGAWAD NA TARGET SUGATAN

bala

MAYNILA – ISINISI sa transaksiyon sa ilegal na droga ang aksidenteng pagkakabaril sa isang 8-anyos na batang lalaki sa San Andres Bukid.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng biktima.

Ayon kay Cpt. Roel Purisima, hepe ng PCP-Dagonoy, nakikipagkuwentuhan sa harap ng barangay hall ang umano’y target ng pamamaril na si Roberto Cudal, kagawad ng Brgy. 775, Zone 84 nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.

Dinala sa ospital si Cudal at ang katabi nitong si Romeo Nicolas na tinamaan din ng bala.

Habang sa dibdib tinamaan ng ligaw na bala ang batang lalaki, na naisugod din sa ospital ngunit nasawi kinalaunan.

Sa pahayag ng mga testigo, dawit umano sa transaksiyon ng droga ang kagawad at mga anak nito.

Kasalukuyan pang inaalam ng PNP ang motibo sa krimen. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.