KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na matatapos na ngayong araw, Disyembre 22 ang tour of duty ni Archbishop Gabriele Giordano Caccia bilang Apostolic Nuncio to the Philippines.
Ito ay matapos na mag-farewell call kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin si Archbishop Caccia na nagsilbi rin dean ng diplomatic corps sa bansa simula noong December 2017 matapos siyang italaga ni Pope Francis bilang kanyang opisyal na kinatawan sa Filipinas noong Setyembre 12, 2017.
Nagpahayag ng pasasalamat si Locsin sa Papal nuncio sa dalawang taon nitong pamamalagi sa bansa bilang apostolic nuncio o katumbas bilang ambassador ng Vatican sa Filipinas.
Nabatid na ililipat si Caccia bilang Permanent Observer ng Vatican sa United Nations sa New York.
Gayunpaman, wala pang inaanunsiyo ang Vatican na magiging kapalit ni Caccia.
Comments are closed.