TOURISM AT FOOD BUSINESS WORKERS, SUNOD BAKUNAHAN

bakuna

NANANAWAGAN ang isang advocacy group na kung maari pagkatapos ng mga frontliner ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, “gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else”.

“Sigurado maeenganyo ang mga turista lalo na mga local tourist na pumunta sa isang pasyalan kung alam nila na hindi sila mahahawa ng mga workers doon dahil nabakunahan na sila”, dagdag pa ni Mayormita.

Aniya, “Siyempre kapag may pasyalan may mga kainan kaya kailangan din mabakunahan yung mga nasa food sector”.

Magpapadala ng liham ang grupong turismo sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo para iparating ang kanilang kahilingan.

Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mga tao ang mga tourist destination sa bansa lalo’t papalapit na ang summer, dagdag pa ni Mayormita.

Ang turismo isulong mo ay kinabibilangan ng libo-libong mga manggagawa mula sa tourism industry mula sa tourist guides hanggang sa mga bangkero at mga masahista.

4 thoughts on “TOURISM AT FOOD BUSINESS WORKERS, SUNOD BAKUNAHAN”

  1. 207130 322610I discovered your web site site on google and check a couple of your early posts. Preserve within the top notch operate. I just extra up your Feed to my MSN News Reader. Seeking for toward reading far much more of your stuff afterwards! 526310

Comments are closed.