LUMAGDA ang Toyota Motor Philippines Corporation (TMP) ng Memorandum of Agreement sa Department of Health (DOH) bilang suporta sa pagsisikap ng Philippine government na tugunan ang mobility needs ng healthcare workers sa panahong ito ng COVID-19 pandemic.
Inanunsiyo ng TMP ang pagdo-donate nito ng 30 Vios units sa iba’t ibang public hospitals sa Metro Manila at Laguna.
Ang DOH ang nagsilbing host sa event sa Central Office nito sa Sta. Cruz, Manila kung saan pinangunahan ni Secretary Francisco Duque III ang seremonya. Bilang pagpapakita ng suporta sa pamahalaan, ang mga opisyal ng Toyota na dumalo sa okasyon ay sina Chairman Alfred V. Ty, Vice Chairman David Go, at President Atsuhiro Okamoto. Ang okasyon ay dinaluhan din ni Japan Ambassador to the Philippines Koji Haneda na patuloy na isinusulong ang matatag na ugnayan sa pagitan ng Japanese business community, ng Philippine government at ng Filipino society.
Sa kanyang maikling mensahe sa simpleng seremonya, pinuri ni TMP president Okamoto ang healthcare workers para sa kanilang sakripisyo at pagpupunyagi.
“Toyota salutes all healthcare workers in the country – the brave heroes who continue to work relentlessly to care for the sick and preserve life… Please accept Toyota’s humble contribution of providing mobility services through our proudly Philippine-made and ever dependable Toyota Vios,” aniya.
Tampok sa event ang actual turnover ng tig-iisang Vios unit sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, at San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital. Tatapusin ng TMP ang the turnover ng units sa public hospitals sa July 2020.
Naniniwala ang Toyota na ang pagkakaloob ng mobility sa healthcare frontliners ay makatutulong sa paglaban ng bansa sa pandemya.
“I would like to extend my sincerest gratitude to the Philippine government for its strong leadership during this difficult time. And, of course, I send our utmost appreciation to all our front liners for their outstanding dedication and selflessness,” wika ni TMP Chairman Alfred V. Ty.
Tiniyak din niya ang tungkulin ng Toyota sa pag-ayuda sa bansa sa panahong ito sa pagsasabing, “As a strong partner for nation building, we are committed to heed the call of Filipinos as they begin to rebuild their lives. We need to help them get back to work every day. We have to make sure that we can take them to the hospital when they need care. We must ensure that essential workers can transport themselves to their work places to care for our loved ones. When we can once again move freely, we will be there to bring families and friends together.”
Bukod sa vehicle donation, ang TMP, sa pakiki-pagpartner sa Toyota Mobility Foundation (TMF), ay kasalukuyang nagkakaloob ng 10 connected at sanitized shuttles sa Philippine General Hospital (PGH) health workers. Ang lahat ng shuttles ay sumusunod sa ‘new normal’ guidelines upang matiyak ang proteksiyon ng healthcare workers.
Comments are closed.