TRABAHO LOLOBO SA 2019

Director Dominique Tutay.jpg

KUMPIYANSA ang Department of Labor and Employment (DOLE) na muling darami ang job vacancies o trabaho pag-dating ng Enero 2019.

Inihayag ni  DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay na mababa ang job posting dahil patapos na ang taon.

Pagsapit ng Bagong Taon ay inaasahang maraming oportunidad ang bubuksan para sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa kasalukuyan  ay mahigit sa 5,000 job vacancies na lamang ang natitira sa government employment portal na philjob-net.gov.ph, ngunit ina­asahang tataas ito pagsapit ng 2019.

Sa pinakahuling datos ng website, nasa 5,565 na lamang ang natitirang posisyong puwedeng aplayan at karamihan ay nasa sales at service industry.

Ayon kay Tutay,  mainam na panahon ang holiday season para maghanap ng mga trabahong nais  na mapasukan.

Sinabi nito na kung ang  problema  ay ang job experience o karanasan sa trabahong nais na pasukan,  maaring subukan ang government internship program sa susunod na taon.

Muling ipinayo ng DOLE  sa mga job applicant na  ihanda na dapat ang requirements para sa pagda­ting ng susunod na buwan ay maumpisahan na ang registration sa DOLE-regional at field offices.

Para sa karagdagang impormasyon para sa government internship program, bisitahin ang  website: ble.dole.gov.ph. NENET VILLAFANIA

Comments are closed.