TRADE ‘DI PATAS

on the spot- pilipino mirror

MUKHANG matutuloy na ang trade ni CJ Perez ng Terrafirma. Matagal na rin itong pinag-uusapan, bago pa lang si Perez sa Dyip ay maugong na agad na iti-trade siya sa ibang team.

Ngayon ay mukhang tuloy na tuloy na ang paglipat niya sa kampo ng San Miguel Beer. Ang kapalit ni CJ Perez ay sina Russel Escoto, Gio Alalon, at MG Rossel plus 8th pick. Pero ang original ay kasama si Von Pessumal. Sa trade na ito ay maraming umalma. Unfair daw ang palitang ito. Kahit pa maraming ibinigay na players ang kampo ni coach Leo Austria ay hindi pa rin ito sapat  Dati kasi ang trade na kapalit ni Perez ay sina Alex Cabagnot, Arwind Santos at Marcio Lassiter. Sinasabing unfair ng mga netizen, sapagkat pawang mga bangko naman ang kapalit ni Perez. Ang sabi ay aayusin umano ito ni PBA Kume Willie Marcial. Sana nga maayos ni Commissioner upang hindi siya  matulad  sa dating commissioner ng liga na si Atty. Chito Narvasa na nag-resign dahil sa palpak na trade na naganap noon. Hoping maayos ito.



Ipinahayag  ng MILO at ng Department of Education ang bagong programang pakay na  i-promote — ang ehersisyo sa mga bata habang nasa home-based learning ang mga ito gawa ng pandemya.

Magiging bahagi ang MILO Champion Habit sa P.E. curriculum bilang pagsuporta ng bansa sa  blended learning program.

Tampok sa magiging guest ng  TOPS Usapang Sports on Air sa Huwebes, ika-4 ng Pebrero, sina Lester P. Castillo, ang Assistant Vice President ng  Nestlé Philippines-MILO; Undersecretary Revsee A. Escobedo ng Department of Education at Japoy Lizardo, ang MILO champion.

Tatalakayin sa Zoom session na live sa Facebook at social media streaming ang nakapaloob sa MILO Champion Habit announcement, ang Active Kids are Better Learners,  detalye ng MILO Champion Habit program at ang partnership sa DepEd.

Kasunod nito ang mensahe mula sa DepEd mula kay Usec. Escobedo, sports ambassador ng Milo na si Japoy, partisipasyon ng Milo Champion Habit at ang kahalagahan  ng ehersisyo sa isang atleta at ang imbitasyon ng paglahok sa Milo Champion Habit movement ng mga panauhin.



Sino kaya itong player na nawalan ng ganang  lumaro sa kanyang mother team dahil na-insecure sa kanyang dalawang teammates? Hindi naging inspirasyon ng batang player ang kanyang kasamahan. Nasa utak nito ay naging kalaban niya sa loob ng court ang kanyang teammates  Dahil sa nangyari ay iti-trade na ang basketbolista, hindi umano kailangan ng management ang tulad ng player na ito na masyadong insecure.

Comments are closed.