SOUTH COTABATO – NAPATAY ang 58-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng dalawang gunmen saka tinangay pa ang kanyang SUV sa Tuazon Subdivision, Barangay Poblacion sa bayan ng Polomolok kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Lieutenant Colonel Marvin Duadua ang biktima na si Joy Manalo ng Barangay Polunoling sa karatig bayan ng Tupi.
Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng cal. 45 pistol.
Nabatid na tinangay ng gunmen ang pick up ng biktima na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Gayunman, makalipas ang ilang oras ay namataan ng pulisya ang SUV ng biktima na inabandona sa Purok Malinawon, Barangay Cannery Site, Polomolok.
May dalawang person of interest ang inimbitahan ng pulisya kaugnay sa pagkakapaslang sa biktima. MHAR BASCO