ISANG negosyanteng lalaki ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID 19) sa Malabon City.
Sinabi ni Bong Padua, public information officer ni Mayor Lenlen Oreta, nasa edad 50 ang biktima at ngayon ay naka-quarantine sa isang ospital sa Maynila.
Marso 12 nang dalhin sa ospital ang negosyante nang maging severe ang sakit nito kaya pinayuhan na isailalim sa COVID testing.
Marso 23 nang lumabas ang resulta na positibo ito kaya naman iniulat ng Depattment of Health (DOH) kay Oreta para naman sa tracing mission at agad inatasan si Brgy. Dampalit Chairman Carlo Dumalog na abisuhan ang kaanak ng biktima na mag-self quarantine.
Pinawi rin ni Padua ang pangamba ng mga taga-Brgy. Dampalit dahil malayo ang bahay ng negosyante at naka-kurdon na ito. EVELYN GARCIA
Comments are closed.