TRADERS SINISI SA MATAAS NA PRESYO NG ASUKAL

SUGAR TRADERS

UMARAY na ang mga magsasaka at producers ng asukal sa pagharap nila sa panukalang liberalization of sugar  at isinisisi nila ito sa mga middlemen, traders at repackers na siyang nagtataas ng retail price ng asukal.

“As far as farm-gate price is concerned, it’s already down. We are selling at PHP1,400 per 50-kilo bag. That means you should get it for PHP28 a kilo at retail. But you get it for PHP60 a kilo in supermarket,” pahayag ng Confederation of Sugar Producers Associations, Inc. (CONFED) Board Member na si Salvador Escalante sa isang panayam.

Sa kabilang banda, sinabi ng isang senador na si Juan Miguel Zubiri na ang presyo ng asukal ay hindi dapat ganung katas dahil ang farm gate price ng raw sugar ay hindi naman mahal.

“We really have to figure out how to tax the middlemen,” sabi niya.

Napansin ng senador na hindi naman kailangan na may mamagitan pa sa mga producer at mga konsyumer.

Binanggit niya na sa South Korea at ibang bansa, ang ani ay dumidiretso sa mga cooperative market, na nagbebenta naman sa mga kumukonsumo nito.

“Either sell it to the end-users or to sell it to supermarkets tulad ng ginagawa ng Robinsons, S&R at iba pang pasilidad sa ngayon,” aniya.

Sa kasalukuyan, ayon kay Zubiri ang Coca-Cola Philippines ay “bumibili ng 100 percent cane sugar” matapos na tanggalin ang paggamit ng high-fructose corn syrup (HFCS) bilang pampatamis.

“They (Coca-Cola) are now doing measures to talk to all sugar federations to buy directly from them. That’s a good sign and that’s what we need to do,” sabi niya.

Ang probinsiya ng Negros Occidental ay kilalang “sugar bowl” sa Filipinas.

May kontribusyon ang industriya ng asukal ng tinatayang PHP96 bil­yon sa ekonomiya ng bansa mula sa benta ng raw sugar, refined, molasses, at ethanol, at PHP5 bilyon sa value-added tax payments sa refined sugar.

May empleyo ito ng 720,000 manggagawa sa 28 sugar-producing provinces at may 82,000 magsasaka, kalimitan ay mga benepisyaryo at mga maliliit na magsasaka na nakadepende dito para sa kanilang pangkabuhayan.

“For as long as we are in the Senate, we assure the Negrenses and the 28 provinces that are producing sugar that we will not act on it,” ani ng sena-dor.

May 10 senador ang nagpahayag ng oposisyon sa panukalang deregulation ng sugar imports sa pagpirma ng isang Senate resolution, na humihimok sa executive department na huwag ipagpatuloy ang planong liberalization ng sugar industry.

Sa resolusyon, sinabi ng mga senador na ang kanilang galaw ay makaaapekto sa 84,000 magsasaka sa 28 sugar-producing provinces at 720,000 manggagawa na nakaaapekto sa halos isang milyong pamilya o limang milyong mga tao.

Kapag nagsimula ang sesyon sa Hulyo, magsisimula ang senado na pag-usapan ang pagtutulak ng liberalization ng economic team, ganundin ang pagrerepaso ng Sugar Industry Development Act (SIDA).

Ang SIDA ay dapat makakuha ng PHP2 bilyon isang taon pero ang naire-release na tulong sa mga magsasaka ay umaabot lamang sa PHP500 mi-lyon hanggang PHP700 milyon.

“We have to see what is going wrong with its implementation and come up with proposals. What we need to do is come up with recommendations on how to stabilize prices that are affordable to people,” sabi pa ng senador.

“What we can do is allow SRA (Sugar Regulatory Administration) to help the federation link them with direct buyers. What is happening right now is that traders manipulate the prices, they buy it so low and sell it with a huge profit,” dagdag pa.     PNA

Comments are closed.