BUTUAN CITY – KALABOSO ang isang aktibong traffic enforcer ng lungsod na ito matapos makuhanan ng umano’y shabu habang naka-duty sa drug buy bust operation sa Barangay Libertad.
Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga mula sa dati nang drug surrenderee na si Rey Misanes ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu pati na ang buy bust money na P500.
Kahit nagpositibo sa ginawang operasyon, mariin pa ring pinabulaanan nito na bumalik siya sa illegal drug trafficking. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.