(Trahedya bago ang Pasko) PALASYO NAKIRAMAY SA INDONESIA

tsunami

NAGPARATING ng pakikiramay ang  Malakanyang sa mga naiwang pamilya ng 168  kataong nasawi sa tsunami sa Indonesia.

Sa inilabas na paha­yag, sinabi ni  Presidential spokesman Salvador Panelo na nakikiisa ang Malakanyang  sa pag-aa­lay ng dasal para sa mga apektadong residente ng Sunda Strait.

Patuloy ang pagtutok ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Filipinas sa Jakarta para matiyak ang kaligtasan ng Filipino community sa lugar.

Matatandaang tumama ang magnitude 7.4 na lindol at tsunami sa Central Sulaewsi noong Set­yembre na ikinasawi rin ng marami.

Comments are closed.