KONTRA ang top collectors ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa plano ng dalawang kapulungan ng Kongreso na suspendihin muna ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law dahil malaki ang magiging epekto nito, hindi lamang sa takbo ng ekonomiya ng bansa, kundi maging sa estado ng imprastraktura ng gobyerno.
Sinabi nina BIR Regional Directors Romulo Aguila (City of Manila), Glen Geraldino (Makati City), Manuel Mapoy (Caloocan City) at Dra. Marina De Guzman (Quezon City) na mapipilayan nang husto ang mga pangunahing proyektong pang-masa at maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa sandaling itigil ang implementasyon ng TRAIN law.
May manifesto rin ang mahigit sa 134-strong Revenue District Officers (RDOs) sa buong kapuluan na tumututol sa planong suspension ng TRAIN law dahil sa anila’y magiging epekto nito sa tax collections ng Kawanihan ng Rentas Internas.
Binigyang-diin ni BIR Assistant Commissioner for Collections Alfredo Misajon na dahil sa TRAIN law ay lumaki ang tax collections ng BIR mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Assistant Commissioner Misajon, dahil sa TRAIN law ay umabot sa net gain na P12.5 bilyon ang nakolekta ng BIR sa loob lamang ng first quarter ng taong ito, kabaligtaran o malayong-malayo sa nakolekta ng BIR sa kaparehong panahon na umaabot lamang sa P3.2 bilyon.
“We can only surmise that some of this or the balance can be attributable to our field performance, especially the enforcement processes in our revenue regions,” paliwanag ni Assistant Commissioner Misajon sa hearing ng House Oversight Committee on Comprehensive tax Reform Program.
“There was also a P3 billion decrease in the Value Added Tax (VAT) collections from January to March, in contrast with the expected gain of P4.21 billion. Gain from petroleum excise tax amounted to P4.73 billion, lower than the P9.99 billion goal; while automobile excise tax climbed by P363.71 million, also lower than expected,” sabi pa niya.
Sinabi nina BIR Directors Aguila, Geraldino, Mapoy at De Guzman na hindi napapanahon na suspendihin ang implementasyon ng TRAIN law dahil sa domino effect nito.
Aminado rin ang mga RDO na babagsak nang tuluyan ang tax collections ng BIR, maging ang Bureau of Customs, sa sandaling pigilin kahit pansamantala ang pagpapatupad ng TRAIN law.
Sa kabila ng planong pagsuspinde sa TRAIN law ay inatasan pa rin ni BIR Commisioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang mga opisyal ng BIR na ipagpatuloy ang magandang tax collections.
oOo
Isa si CPA/businesswoman Tess Ceralde sa pinalad na magwagi bilang bagong barangay chairwoman sa Barangay 180, Caloocan City sa katatapos na Barangay elections. Kasama ni newly-elected punong barangay Ceralde na muling naluklok sa puwesto sina barangay kagawad Buddy Dela Pena, Jesus Sanches, Gerry Espaniol at Independent Mr. Lim.
Gumuhit naman ng kasaysayan ang itinuturing na pinakabatang barangay kagawad-elect na si Alfredo ‘Erick’ Balane na nahalal sa edad na 19. Nakapuwesto naman sa ika-7 si re-elected veteran barangay kagawad Lito Aguas.
Sina Kapitana Ceralde at Kagawads Aguas at Lim ay kumakatawan sa Soldiers Hills Subdivision, sa Miramonte Parks at Victory Heights naman si Kagawad Dela Pena, sa Phase-6 at Sanana si Kagawad Sanchez habang sina Kagawad Espaniol at Kagawad Balane ay mula naman sa Upper/Lower Little Baguio, Sapilara at Bicol Areas na pawang nasa Miramonte Heights Subdivision, North, Caloocan City.
Isang malugod na pagbati sa inyong lahat, GOD bless us all, to GOD be the glory!
Para sa mga komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.