PORMAL na tinanggap ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez kahapon ang deed of donation mula kay Bataan Provincial Governor Albert Raymond ‘Abet’ Garcia para sa lupaing pagtatayuan ng Philippine Sports Training Center (PSTC).
“I am so happy and excited on this newly forged partnership with the Provincial Government of Bataan. This will give our national athletes a new home as they continue to bring pride and honor to our country,” sabi ni Ramirez sa ceremonial signing at turnover rites.
Sinabi ng sports agency chief, na nagdiwang ng kanyang ika-71 kaarawan noong araw na iyon, na ang partnership ay isa sa pinakamagandang regalo na kanyang natanggap.
Ang Provincial Government ng Bataan ay nag-donate ng anim na lote sa PSC na may land area na 250,000 square meters na matatagpuan sa Bagac, Bataan.
Nakasaad sa isa sa mga probisyon ng deed of donation na ang imprastruktura ay dapat itayo at matapos sa December 31, 2025, “subject to extension upon agreement by the parties.”
“Nagpapasalamat po kami sa Philippine Sports Commission at sa lahat po ng nagtulong-tulong. Isa po itong magandang project para lalong gumaling ang ating mga Atletang Filipino,” sabi ni Gov. Garcia.
Dumalo rin sa turnover ceremony si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, chairnan ng Senate Committee on Youth and Sports, at tiniyak ang kanyang suporta para sa PSTC.
“Kapag nagtutulungan po ang ating mga atleta at ang ating gobyerno ay malayo po ang ating mararating. Rest assured na suportado po namin itong PSTC,” wika ni Sen. Go.
Ibinahagi ni Ramirez na matapos ang maraming buwan ng pag-aaral, tinanggap ng PSC ang alok ng Bataan dahil sa strategic location ng venue at ng kahalagahan nito sa kasaysayan ng bansa.
Ang Republic Act 11214, ang batas na lumikha sa PSTC, na naglalayong “to promote and develop sports in the country, to achieve excellence in international sports competitions, to ensure success in the country’s quest to achieve competitiveness in the Olympic Games and to promote international amity among nations,” ay nilsgdaan ni Presidente Rodrigo Duterte noong February 2019.
Inilaan ang halagang P3.5 billion para sa konstruksiyon ng imprastruktura at isasama ito sa annual General Appropriations Act.
Ang state-of-the-art sports hub ay tatampukan ng maraming pasilidad para sa administrative, sports science, medical at dormitories para sa mga atleta at coach; na may sports amenities para sa 39 Olympic at non-Olympic sports.
Si Ramirez ay sinamahan nina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Celia Kiram, at PSI National Training Director Marc Velasco. Samantala, sinamahan naman si Gov. Garcia nina 2nd District of Bataan Representative Jose Enrique Garcia III, Municipal Mayor Maria Angela Garcia at Engr. Emmanuel Pineda. CLYDE MARIANO
979996 436747magnificent post, very informative. I wonder why the other specialists of this sector do not notice this. You ought to continue your writing. Im sure, youve a terrific readers base already! 493998