PARA matiyak na nasa ayos ang lahat, bubuo ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang task force na magbabantay sa training ng mga atleta na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gagawin sa Vietnam kung saan puntirya ng Filipinas ang back-to-back overall championships.
“We will form task force to ensure everything is in place and closely monitor the training and preparation of the athletes,” sabi ni PSC Chairman William Ramirez.
Ayon kay Ramirez, ang task force ay makikipag-ugnayan sa Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni Rep. Abraham Tolentino para i-monitor ang paghahanda ng mga atleta.
“The task force will work closely with the POC to oversee the training and determine how far they go in their favorite events. It will also determine the competitiveness and winnability as well as the physical and mental condition of the athletes,” sabi pa ni Ramirez.
Ani Ramirez, mahalaga ang papel na gagampanan ng task force dahil sila mismo ang susubaybay at aalamin kung gaano kaseryoso ang mga SEA Games-bound athlete sa kanilang training.
“SEA Games is just few months away. Limitado at maiksi ang kanilang training dahil sa global pandemic. Kailangan ay full blast ang kanilang paghahanda to catch up with time,” dagdag ni Ramirez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.