TRAINING PROTOCOL MEETINGS SA NSAs IKINASA NG PSC

PSC

SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pakikipagpulong sa National Sports Associations (NSAs) upang talakayin ang mga pa­nuntunan sa pagpapatuloy ng pagsasanay para sa Tokyo 2021 Summer Olympic Games hopefuls at qualifiers.

Ang mga health professional mula sa PSC-MSAS (Medical Scientific Athletes Services) unit ay nagsimulang makipagpulong sa NSAs noong nakaraang Hulyo 21 upang talakayin ang updated protocol at minimum health standards ng training venues sa mga kinauukulang NSA. Isasagawa ang miting hanggang Hulyo 29.

“The PSC recognizes that our Olympic hopefuls need to maintain momentum and they do that by going back to focused training,” wika ni National Training Director Marc Velasco.

Kinatawan ni Secretary-General Attorney Edwin Gastanes ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga pagpupulong kina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary-General Ed Picson, Philippine Fencing Association (PFA) President Richard Gomez, at Secretary-General Jercyl Lerin mula sa Philippine Rowing Association (PRA).

Dumalo naman ang mga opisyal ng NSAs mula sa World Archery Philippines, Inc. na kinatawan nina Secretary-General Rosendo Sombrio, Atty. Billy Sumagui – Sec-General ng Integrated Cycling Federation of the Philippines, Director for Operations Butch Antonio at coach Jong Uichico ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa July 22 discussion.

Sinundan ito ng pakikipagpulong kina Philippine Judo Federation President Dave Carter at Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion-Norton noong Hulyo 23.

Ang miting sa mga NSA official mula sa triathlon at skateboarding ay nakatakda sa Hulyo 27, table tennis at taekwondo sa Hulyo 28 at canoe kayak, weightlifting at wrestling sa Hulyo  29.

“This is to brief them on how they will formulate their updated protocol. This is also for submission to the IATF to allow Olympic qualifying sports to start training,” ani Velasco.

Pagsasama-samahin ng PSC-MSAS ang mga panukala mula sa sports bodies kaugnay sa training resumption, lalo na para sa Olympic sports, at magsusumite ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pag-apruba nito.

“The IATF is always the last say and that these will just be recommendations,” ani Velasco

Ang PSC-MSAS na pinamumunuan ni Dr. Randolp  Molo (Orthopedic) ay binubuo nina health professionals Dr. Janis Ann Espino-De Vera (Orthopedic), Dr. Charles Martin Corpuz (Family Medicine), Dr. Joji Quintos (Orthopedic) Dr. Pilar Elena Villanueva (Family Medicine), Dr. Victor Gaddi (Orthopedic), Dr. Arsenio Lantin (Family Medicine), Dr. William Occidental (Family Medicine), Dr. Raul Alcantara (Family Medicine) at Abigail Rivera.

Comments are closed.