TRANSAKSYON NG MGA DRUG SUSPECT SA PDLs PINAIIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Eleazar ang naging pag-amin ng dalawang naarestong drug suspect sa Cebu City tungkol sa kanilang pakikipagtransaksyon sa mga bilanggong drug trafficker.

“Ang pagkakasangkot ng mga nakakulong na drug traffickers sa transaksyon ng iligal na droga ay nagpapatunay lamang kung gaano kalalim ang operasyon ng sindikato ng droga sa ating bansa,” ayon a PNP chief.

Inatasan din nito ang regional director ng Central Visayas Police na tukuyin kung sino-sino ang kasabwat upang tapusin na ang operasyon ng sindikato.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations noong Lunes na sina Benjie Lupian,42 at Bryan Osabel, 35.

Lumilitaw sa record ng pulisya, , naaresto si Lupian sa Barangay Duljio Fatiba matapos masabat sa kaniya ang may 1,040 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon habang naaresto naman si Osabel matapos masabat sa kaniya ang may 501 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P3 milyon. Inamin ng dalawang naaresto na nakikipag-transaksyon sila sa mga bilanggo ng Cebu City Jail. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “TRANSAKSYON NG MGA DRUG SUSPECT SA PDLs PINAIIMBESTIGAHAN”

  1. 403963 378657Id must verify with you here. Which isnt 1 thing I often do! I get pleasure from reading a put up that will make individuals feel. Furthermore, thanks for permitting me to comment! 847916

Comments are closed.