TRANSITION NG GOBYERNO SA E-GOVERNANCE IGINIIT

Senador Bong Go

IGINIIT ni Senate Committe on Health Chairman Christopher Bong Go  ang kahalagahan ng transition ng gobyerno  sa e-governance lalo na ngayon panahon ng pandemya.

Sinabi ni Go, layon ng inihain niyang Senate Bill bilang 1738 o E-Governance Act of 2020 nitong Hulyo 27 na i-prayoridad ang transition para maging mas ligtas para sa publiko.

Inihalimbawa ni Go, ang pagkuha ng birth certificate o pag-aaplay ng  lisensiya na dapat ay ginagawa na online para maiwasan ang face-to-face transactions  para makaiwas sa posibleng pagkahawa ng COVID-19 at maiwasan pa ang red tape.

Anang senador, dapat samantalahin ang paggamit ng mga makabagong  teknolohiya at social media platforms para makapag-divert na sa e-governance.

Dagdag pa ni Go na dahil sa mga hamon dulot ng  COVID-19, dapat nang pag-isipan kung paano mas mapapadali ang  access ng mga Pinoy sa health services tulad ng konsultasyon sa mga doktor online.

Inihayag pa nito, ang pagsuporta sa consumer groups na nagsusulong  ng  digitalization ng  health services para sa pagtugon sa minor  health issues kaysa sa magtungo pa sa mga ospital ang mga pasyente. VICKY CERVALES

Comments are closed.