TRANSPORT GROUP UMAPELANG PAYAGAN NA ANG PAGBIYAHE NG MGA JEEP

NANAWAGAN ang grupong  PISTON sa pamahalaan na payagan nang makabalik sa biyahe ang mga jeep sa pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Hinaing ng grupo, dalawang buwan at kalahati nang walang kita ang mga driver ng jeep.

Umaasa umano ang mga tsuper na makababalik na sila sa biyahe sa sandaling umiral na ang GCQ subalit tanging ang mga modern jeepney  lamang ang maaaring  makabalik sa biyahe base sa panuntunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kaugnay nito ay nanawagan ang PISTON ng sabayang pagbusina sa Lunes, Hunyo 1, bilang pag-apela sa gobyerno na muling payagang makapasada ang mga pampasaherong jeep. DWIZ 882

Comments are closed.