TRAPIKO KONTROLADO SA UNDAS – MMDA

MMDA Chairman Danilo Lim-2

MAKATI CITY – TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na kaya nilang kontrolin ang matinding trapiko sa mismong Undas sa Nobyembre 1 at sa susunod na araw na Nobyembre 2.

Ang nasabing mga petsa na pumatak sa araw ng Huwebes at Biyernes ay idineklara ng Malacanang na special non-working holidays.

Ito ay kahit pa suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction (UVVR) o kilala sa tawag na number coding.

Ayon kay Lim,  nagsimula na rin ang paghahanda nila para matiyak ang maayos na daloy ng traffic sa Metro Manila sa Undas.

Inaasahang daragsain ang mga sementeryo ng mga bibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Samantala, wala pa namang abiso ang Makati City at Las Piñas City kung magpapatupad din ba sila ng suspensiyon ng number coding para sa nasabing petsa.   ROSE LARA