TRASLACION 2020 PINAGHAHANDAAN NA NG PNP

TRASLACION

TAGUIG CITY – PINANGUNAHAN  ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Brig. Gen. Debold Sinas ang pag-iikot sa mga daraanan ng Traslacion ng Itim na Nazareno na inaasahang daragdain ng milyon-milyong deboto sa Enero 2019.

Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, lubhang mahalaga ang ginawang aktibidad para mabuo ang kailangang arrangements at maplano nang maigi ang deployment ng mga pulis lalo pa at panahon din ito ng pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo.

Layon nito na maplantsa ang paglalatag ng mga hakbang upang mapanatili ang peace and order sa nasabing pagdiriwang.

Ang prusisyon ng Nazareno ay nagsisimula sa Quirino Grandstand na dadaan sa maraming kalsada sa Maynila hanggang makarating sa Basilika ng ­Quiapo.

Inabot ng higit 20 oras ang Traslacion 2019 na ayon sa NCRPO ay dinaluhan ng nasa apat na ­milyong deboto. VERLIN RUIZ

Comments are closed.