ISANG tribute para sa namayapang PBA LEGEND na si Mr. Danny Florencio ang isasagawa ngayong Linggo, Feb. 27, sa bagong gym sa Ilog Marikina City.
Ang matalik na kaibigang si Mr. Tony Bolok Santos ang magbibigay ng tribute para alalahanin ang ika-4 na taong pagkamatay ng original na SKYWALKER ng PBA at tinagurian ding DAREDEVIL ng liga.
Magkakaroon ng exhibitiom game ang mga batang Marikina laban sa PBA Legends Ang mga legend na lalaro ay kinabibilangan nina Cap Alvin Patrimonio, Ronnie Magsanoc, Allan Caidic, Dindo Pumaren, Atoy Co at iba pa.
Habang ang Marikina Legend players ay pinangungunahan ng dating player ng San Beda na si Sonny Manucat, kasama sina Manny Mendoza na dating player ng Welcoat, Chad Alonzo ng FSD Makati Blazer sa MPBL, Pags Suapengco, Deanno Macapili, Monroe Cueson, Morgan Cueson, Jojo Diaz, Roden Rivera,, at Norman Afable na dating player ng JRU.
Si Florencio ay namatay sa edad na 70 npong Feb. 25, 2018.sa Pittsburg, California, USA. Noong 1968-1969 ay naglaro siya sa YCO Paintet, 1970-1973 sa Crispa, 1974-1976 sa U/TEX, 1977 ay lumipat ito sa 7UP,, 1978-1982 naman sa Toyota, at ang huling team ni Florencio ay ang Galerrie Dominique noong 1983.
Kinilala si Florencio ng PBA bilang Hall of Famer noong 2007 at nasama ang pangalan niya sa 25 at 40 Greatest Players ng PBA. SALUDO PO KAMI SA INYO! Mananatili po kayo sa kasaysayan ng PBA.
vvv
Suwerte ni Andrian Wong at mabibigyan siya ng magandang playing time ni coach Chito Victolero. Kaya naman ang dating player ng Ateneo Blue Eagles ay ibinibigay ang kanyang best para hindi siya mapahiya kay coach Victolero.
Sana nga ay tuloy-tuloy ang magandang ipinakikita ni Wong sa Magnolia Pambansang Manok.