ISABELA-DALAWA katao ang nasawi habang anim na iba pa ang sugatan nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang tricycle sa Barangay Limbunan, San Pablo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Marivic Teppang, 45-anyos; at Lourdes Natividad, nasa tamang edad; parehong taga-Limbunan.
Habang ang mga sugatan naman ay ang magkakapitbahay na sina Jessie Lazaro, Romella Casura; Perla Arugay, Edison Manjulin, 16-anyos at isang estudiyante; Ernalyn Mariano.
Sugatan din ang driver ng tricycle na si Rondy Paguigan, 24-anyos, may asawa at isang constractuon worker at taga- Calamagui.
Ayon sa PNP San Pablo ay isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang himpilan na mayroong aksidenteng naganap sa kanilang barangay
Sa imbistigasyon ng PNP, dakong ala-6 ng gabi nang pauwi na ang mga biktima nang kontrol ang manibela kaya hindi nito natantiya ang pakurbang bahagi ng daan at bumaligtad ang nasabing sasakyan
Tumilapon naman ang mga sakay nito at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo ang mga biktima. IRENE GONZALES
Comments are closed.