SANTIAGO CITY – NAKATANGGAP ng ayuda mula kay Senadora Imee Marcos ang mga tricycle drivers o T0DA trikers sa lungsod na ito.
Ang ayuda ay sa pamamagitan ng over the counter pay out of Assistance to individual in Crisis Situation na apektado ng krisis.
Nasa 2,000 TODA trikers beneficiaries ang tumanggap ng cash, kasabay ng kanyang pagdalaw sa nasabing lungsod ay nakipag-boodle fight sa mga market vendor at nagbigay din ng mga regalo sa mga bata at mga senior citizen.
Nilinaw ni Isabela Governor Rodito Albano na kahit hindi botante ng Isabela at dahil component city ang nasabing lungsod, ang mga TODA ng Santiago ay mabibigyan din ng ayuda na nasa 6,000 miyembro.
IRENE GONZALES